Muling nakapagtala ng ash emission sa Mt. Kanlaon araw ng Pasko, Dec. 25.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang ash emission sa summit crater ng Kanlaon sa pagitan ng 3:30 at 4:35 ng hapon.
Nagbuga ang bulkan ng grayish plumes na umabot sa 300 meters ang taas.
Nananatiling nakataas ang Alert Level 3 sa Kanlaon Volcano.