4 July 2025
Calbayog City
Metro

MRT3 general manager, sinibak sa pwesto kasunod ng pagpalya ng escaltor na ikinasugat ng sampu katao

INALIS sa pwesto si Metro Rail Transit-3 (MRT3) General Manager Oscar Bongon kasunod ng pagpalya ng escalator na ikinasugat ng sampu katao.

Sinabi ni Transportation Secretary Vince Dizon na hindi niya nagustuhan na napakatagal bago naayos ang pumalyang escalator at tila dini-delay ang pag-aksyon.

Inihayag ni Dizon na isang araw lang dapat ang pag-aayos subalit tumagal ito ng ilang araw, at kinailangan pa nilang mag-follow up sa mga opisyal ng MRT3 para masigurong nakumpuni na ang escalator

Samantala, naisumite na sa Palasyo ang shortlist ng mga kandidado para magiging kapalit ni Bongon.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).