TUMAAS ng 30 percent ang ridership sa MRT-3 noong 2023 kumpara noong 2022.
Sa statement, lumobo sa 129,030,158 ang ridership noong nakaraang taon mula sa 98,330,683 noong 2022.
Umakyat din sa 357,198 ang daily ridership na mas mataas ng mahigit 30 percent kumpara sa 273,141 record.
Naitala naman ang pinakamataas na single-day ridership noong Aug. 22 na mayroong 450,298 passengers.