MAY handog na libreng sakay ang MRT-3 para sa mga menor de edad sa November 3.
Ito ay bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng National Children’s Month.
Ayon sa MRT-3 ang mga edad 17 pababa ay libreng makasasakay sa buong linya ng tren mula 7:00 AM hanggang 9:00 AM at mula 5:00 PM hanggang 7:00 PM.
Ang libreng sakay ay tugon ng MRT-3 sa kahilingan ng National Council for the Welfare of Children para sa espesyal na okasyon, at bilang pagpupugay sa kabataang Pilipino.




