Balik-operasyon na ang linya ng MRT-3, ngayong Lunes, April 1, matapos ang Holy Week maintenance suspension noong nakaraang linggo.
Simula March 27, Miyerkules Santo hanggang kahapon, March 31, isinailalim ang MRT-3 sa taunang maintenance works, kabilang na ang power supply at OCS, tracks, signaling and communications, rolling stock, at mga pasilidad ng linya.
Ang unang biyahe ng tren ay 4:30 a.m. mula sa North Avenue Station at 5:05 a.m. naman mula sa Taft Avenue Station.
Samantala, aalis ang huling tren mula sa North Avenue Station ng 9:30 p.m. at 10:09 p.m. naman mula sa Taft Avenue Station.