INANUNSYO ng mga pamunuan ng MRT-3 at LRT-2 ang kanilang alok sa libreng sakay sa war veterans at kanilang kasama simula April 5 hanggang 11, bilang pagdiriwang ng 83rd Day of Valor at Philippine Veterans Week.
Para ma-avail ang free rides, kailangang iprisinta ng veterans sa security personnel ng istasyon ang kanilang valid ID na inisyu ng Philippine Veterans Affairs Office (PVAO).
DepEd NCR, nag suspinde ng Face-to-Face Classes ngayong Lunes hanggang bukas
Maynila, nakakolekta na ng 160 million pesos na buwis mula sa Flood Control Contractors
Navotas Floodgate, nabutas matapos mabangga ng barko
DOTr, binigyan ng Special Permits ang mahigit 200 na bus para magsakay ng mga pasahero sa NIA Road
Ang free rides sa MRT-3 ay available simula 4:30 a.m. Hanggang 10:30 p.m. Sa North Avenue Station, at simula 5:05 a.m. Hanggang 11:09 p.m. Sa Taft Avenue Station.
Samantala, ang libreng sakay sa LRT-2 para sa veterans at kanilang mga kasama ay available sa buong araw sa nasabing linggo.
May libreng sakay din ang LRT-2 sa publiko sa April 9 simula ala syete ng umaga hanggang alas nueve ng umaga at simula ala singko ng hapon hanggang ala syete ng gabi.