KINUMPIRMA ni Mr. International 2025 Kirk Bondad na nagkabalikan na sila ng kanyang Model-Actress Girlfriend na si Lou Yanong.
Naintriga ang Online Users nang mag-post si Kirk sa Instagram ng mga larawan nito kasama ang dating PBB housemate, ng kanilang Date Night, kabilang ang panonood ng “Shrek The Musical.”
TV Host Bianca Gonzalez, dismayado sa mas mahal na travel cost sa Siargao kumpara sa ibang bansa
Claudine Barretto, inakusahan ng kidnapping ang kanyang personal assistant
Lea Salonga, inaming hiwalay na sila ng mister na si Robert Chien
Willie Revillame, ipinaliwanag kung bakit hindi ipalalabas sa TV5 ang “Wilyonaryo”
May litrato rin ang dalawa ng kanilang Selfie, at kanilang mga magkahugpong na kamay.
Kasabay ng kumpirmasyon ni Kirk ng pagbabalikan nila ni Lou, sinabi nito na nais nilang magsisimula muli sa “Ground Zero.”
Idinagdag ni Mr. International 2025 na apat o limang buwan na mula nang magkabalikan sila ng kasintahan.
Isinapubliko ni Kirk ang kanyang relasyon kay Lou noong October 2024 subalit lumutang ang mga balitang naghiwalay ang dalawa noong Mayo matapos i-unfollow ng aktres ang Instagram account ng Filipino-German model.
