17 January 2025
Calbayog City
Entertainment

Motion to Consolidate ni Darryl Yap sa Pepsi Paloma Cases na inihain ni Vic Sotto, ibinasura ng Korte

IBINASURA ng Muntinlupa Regional Trial Court ang motion to consolidate ni Director Darryl Yap sa dalawang legal cases na isinampa ng Veteran Actor-Host na si Vic Sotto.

Kaugnay ito sa kontrobersyal na trailer ng pelikulang “The Rapists of Pepsi Paloma.”

Hindi kinatigan ni Judge Liezel Aquiatan ng Muntinlupa RTC Branch 205 ang hirit ni Yap na pag-isahin ang petition for a Writ of Habeas Corpus at hiwalay na criminal complaint na 19 counts of cyberlibel, na inihain ni Sotto.

Ipinaliwanag ng korte na ang Habeas Data Petitions ay mayroong hiwalay na procedural rules mula sa criminal complaints sa ilalim ng revised rules of criminal procedure.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).