TINAMBAKAN ng Charlotte Hornets ang Philadelphia 76ers sa score na 130-93, sa gitna ng severe winter storm dahilan para mapaaga ang NBA game.
Pinangunahan ni Brandon Miller ang Charlotte sa pamamagitan ng 30 points at 8 rebounds.
Gumawa si Miller ng 9-of-12 shots, kabilang ang 6-of-9 mula sa 3-point rage, at 6-of-6 mula sa free throw line.
Nanguna naman si Kelly Oubre sa koponan ng Sixers na nakapagtala ng 17 points habang si Tyrese Maxey na may 29.9 points per game ay nakagawa lamang ng 6 points.




