22 November 2024
Calbayog City
Metro

MMDA, parurusahan ang mga contractor na hindi nakatapos ng roadworks sa nakalipas na Semana Santa

IISYUHAN ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng Notice of Violation ang dalawang private contractors ng Globe Telecom Inc. bunsod ng hindi natapos na roadworks sa kahabaan ng EDSA sa nakalipas na Holy Week.

Sinabi ni MMDA Acting Chairman Romando Artes na nabigo ang HGC Global Communications at R-Link Corp. na sumunod sa kondisyon na matapos dapat ang kanilang trabaho upang madaanan ng mga motorista ang kalsada pagsapit ng ala singko ng umaga, kahapon.

Ito’y makaraang payagan ng MMDA ang iba’t ibang government at private road projects na magsagawa ng round-the-clock na paghuhukay sa mga kalsada simula alas onse ng gabi noong miyerkules santo.

Inihayag ni Artes na mula sa apatnapung manholes, dalawampu’t apat ang iniwang walang takip at walang traffic marshalls na nakita sa kalsada para man lang magmando sa trapiko, kaya ang resulta ay napagkamalan ng publiko sa kasalanan ng MMDA at Department of Public Works and Highways ang nangyari.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *