TUTULONG ang Metropolitan Manila Development Authority para matiyak ang kaayusan sa idaraos na Trillion Peso March sa February 25 sa Quezon City.
Nakipagpulong sina MMDA Chairman Atty. Don Artes at MMDA General Manager Usec. Nicolas Torre III sa mga organizer ng aktibidad kabilang ang mga kinatawan mula sa Tindig Pilipinas at Partidong Manggagawa.
NCRPO, naka-full alert simula sa Feb. 21 kaugnay ng EDSA Anniversary at Trillion Peso March
24/7 na repair works sa EDSA, planong ipatupad ng DPWH sa Semana Santa
Phase 1 ng EDSA Rehab, inaasahan ng DPWH na matatapos sa Hulyo
German, arestado sa NAIA matapos mahulihan ng 55 million pesos na halaga ng shabu na itinago sa mga bibliya
Ayon kay Artes, nais ng ahensiya na matiyak na magiging mapayapa ang aktibidad sa kabila ng paglahok ng iba’t ibang grupo.
Tutulong ang MMDA sa pamamahala ng trapiko at pagsigurong hindi maaabala ang publiko, lalo na ang mga commuter.
Ayon kay Artes, dahil ang February 25 ay isang working holiday, tuloy ang trabaho ng mga manggagawa, kaya dapat masiguro na hindi sila maaabala.
Hiniling naman ng mga organizer ang tulong ng MMDA para sa paglalagay ng mga portalets at barrier sa paggaganapan ng aktibidad.
