22 November 2024
Calbayog City
Metro

MMDA, nakakolekta ng mahigit 40 tonelada ng basura sa nakalipas na Semana Santa

UMABOT sa labing anim na truck ng basura ang nakolekta ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa kanilang cleaning operations sa nakalipas na Holy Week.

Sa statement, sinabi ng MMDA na ang kanilang clean-up operations sa mga terminal, simbahan, at mga kalsada, ay nagresulta ng kabuuang 44.19 tons ng mga nakolektang basura.

Nanawagan din ang ahensya sa publiko na patuloy na makipagtulungan upang mapanatili ang malinis na lansangan upang maiwasan ang pagbaha sa Metro Manila sa pamamagitan ng tamang pagtatapon ng basura.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *