BINABANTAYAN ng Metropolitan Manila Development Authority ang sitwasyon ng trapiko kaugnay ng tatlong araw na Transparency Rally ng Iglesia ni Cristo sa Quirino Grandstand sa Maynila.
Ayon kay MMDA Chairman Atty. Don Artes, simula kahapon ng umaga, activated na ang Emergency Operations Center ng ahensiya.
ALSO READ:
PNP-DEG, nanindigang lehitimong shootout ang nangyaring Buy-Bust sa Quezon City
UPI, aminadong nilabag ang kasunduan sa kanilang Permit to Rally sa Quezon City
Hanggang 30% ng Metro Manila, malulubog sa baha pagsapit ng 2040, ayon sa pag-aaral
Babae, sugatan matapos mabagsakan ng drone sa ulo, sa Anti-Corruption Protest sa EDSA People Power Monument
Bukod sa Quirino Grandstand, binabantayan din ang sitwasyon sa EDSA People Power Monument sa Quezon City.
Nagpakalat ang MMDA ng halos dalawang libong tauhan para sa INC Rally.
May naka-standby din na mga ambulansiya, rapid response vehicles, at tow trucks ng ahensiya sakaling kailangang i-deploy.
