12 July 2025
Calbayog City
Metro

MMDA, nagsagawa ng anti-illegal loading and unloading operations sa Commonwealth Avenue sa Quezon City

PINANGUNAHAN ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang operasyon kung saan target ang illegal loading at unloading activities, pati na ang motorcycle lane violations sa Commonwealth Avenue sa Quezon City.

Sa pamumuno ni MMDA operations head, Gabriel Go, layunin ng hakbang na paluwagin ang trapiko at tiyaking ligtas ang mga kalsada para sa mga pedestrian at motorista.

Binigyang diin din ni Go ang kahalagahan ng tuloy-tuloy na clearing operations sa Metro Manila upang matugunan ang illegal parking at maalis ang mga nakaharang sa mga sidewalk.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).