NAGSAGAWA ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ng cleanup drive sa Sapang Baho Creek sa Marikina City para mabawasan ang pagbaha sa pamamagitan ng pagtatanggal ng mga naipong burak at debris.
Sinabi ni Marikina City Mayor Maan Teodoro na masyado nang marami ang naipong burak sa mga nakalipas na taon bunsod ng patuloy na pag-agos ng tubig.
ALSO READ:
Ayon sa MMDA, sa naturang creek dumadaloy ang tubig mula sa mga ilog sa Cainta at Antipolo sa Rizal, na planong i-dredge o hukayin at linisin ng ahensya.
Inihayag naman ni MMDA Chairperson Don Artes na umabot na sa 32 creeks ang kanilang naisailalim sa cleanup drive.
Lagpas na aniya ito sa 23 creeks na kanilang initial target para sa hukayin at linisin.




