7 February 2025
Calbayog City
Metro

MMDA, nagkasa ng clearing operations sa ruta na daraanan ng MMFF parade of stars

parade of stars

Nagsagawa ng clearing operations ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Special Operations Group-Strike Force  sa ruta na daraanan ng MMFF parade of stars.

Ang parada ay isasagawa sa Sabado, Dec. 16.

Inalis ng mga tauhan ng MMDA ang mga sasakyan na iligal na nakaparada at iba pang uri ng obstruksyon sa mga lansangan ng Caloocan, Navotas, at Malabon.

Tinatayang nasa 81 illegally-parked vehicles ang nahuli ng MMDA sa mga nasabing lugar.

Samantala, patuloy din ang araw-araw na clearing operations ng MMDA sa mabuhay lanes na nagsisilbing alternatibong ruta ng mga motorista na gustong umiwas sa EDSA.

Ang parada ng mga floats ay magsisimula sa Navotas Centennial Park, dadaan sa C-4 Road, Samson Road, at McArthur Highway hanggang makarating sa Valenzuela People’s Park kung saan gaganapin ang main event.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *