MAGSISILBING flag-bearers ng Pilipinas sina Tennis Star Alex Eala at Volleyball Talisman Bryan Bagunas, sa opening ceremony ng 33rd Southeast Asian Games, sa Thailand, sa susunod na Linggo.
Ayon kay Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino, bukod sa popularidad, gumawa ng impacts sina Eala at Bagunas sa Global Sports Community, kaya sila ang napiling magbitbit ng watawat ng Pilipinas sa SEA Games.
Ang 2025 SEA Games ay opisyal na magsisimula sa Martes, Dec. 9, sa Bangkok.
Si Eala ay kagagaling lamang sa kanyang WTA Campaign kung saan tinapos niya ang taon bilang World No. 50.
Habang si Bagunas ang team captain ng Alas Pilipinas sa kanilang historical campaign sa FIVB World Championship na ginanap sa bansa noong Setyembre.




