GA-graduate na sa college si Angeline Quinto sa Hunyo, bagaman dapat ay sekreto muna ang achievement na ito sa kanyang asawa na si Nonrev Daquina at sa kanyang pamilya.
Binati si Angeline sa kanyang academic achievement sa kanyang contract renewal ceremony sa Star Music, kung saan ima-manage din siya ng One Music Management at KreativDen.
ALSO READ:
Nagulat ang singer-actress sa congratulatory message, kaya pabiro itong napatalon sa kinauupuan.
Paliwanag ni Angge, hindi ito alam ng kanyang mister at ng kanyang pamilya.
Kumuha ang singer ng Business Management, Major in Marketing sa Immaculada Concepcion College, at naka-schedule ang kanyang graduation sa June 16.




