Magsasagawa ng repair ang Department of Public Works and Highways – Quezon City 1st District Engineering Office sa bahagi ng Mindanao Underpass hanggang sa Lunes, August 11 ng umaga.
Ayon sa abiso ng DPWH, sa kasagsagan ng repair, isasara ang inner lane ng northbound portion ng Midnanao Underpass.
Partikular na isasagawa ng DPWH ang reblocking works sa lubak-lunak na bahagi ng kalsada.
Isang linya lamang ang isasara habang patuloy namang madaraanan ng mga motorista ang isa pang linya ng kalsada.
Dahil dito, sinabi ng DPWH na inaasahan ang pagbagal ng daloy ng traffic sa lugar habang nagpapatuloy ang repair.