26 January 2026
Calbayog City
National

GOTIA: Ang West Philippine Sea ay Karapatan ng Pilipinas na Pinagtitibay ng BatasMga Maling Interpretasyon na Kinakailangang Linawin

MULING umigting ang pagtatalo sa West Philippine Sea (WPS) matapos ang palitan ng pahayag sa pagitan ng ilang opisyal ng pamahalaan ng Pilipinas at ng Chinese Embassy, kaugnay ng isang insidenteng kinasangkutan ng umano’y pagtulong ng Chinese Navy sa isang Pilipinong mangingisda.

Inilahad ni Charlie V. Manalo, sa isang kolum, ang mga posisyong umaayon sa naratibo ng China.

Kabilang dito ang paniniwalang ang terminong West Philippine Sea ay wala umanong legal na batayan, na ang exclusive economic zone (EEZ) ay bukas sa sinumang nais pumasok, na hindi dapat kwestiyunin ang aksyon ng Chinese Navy dahil sa obligasyong tumulong, at na hindi umano ganap na binding ang 2016 arbitral ruling.

Iginiit din na pinalala ng nakaraang administrasyong Aquino III ang sitwasyon sa pagdadala ng usapin sa arbitrasyon.

Ang mga pahayag na ito ay nangangailangan ng malinaw at agarang paglilinaw batay sa umiiral na pandaigdigang batas o international law.

Ang Pangalan ay Administratibo, ang Karapatan ay may Legal na Batayan

Totoong ang paggamit ng terminong West Philippine Sea ay itinakda ng Administrative Order No. 29 noong 2012.

Ngunit mali ang ipalagay na dito nagmumula ang karapatan ng Pilipinas.

“Ang pangalan ay administratibo,” paliwanag ni Goitia. “Ang karapatan ay nagmumula sa batas.”

Ang tunay na batayan ng karapatan ng Pilipinas ay ang United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS), isang may-bisang kasunduan o treaty na nilagdaan kapwa ng Pilipinas at China.

Ang administrative order ay opisyal na pagtukoy lamang ng pangalan at hindi lumilikha ng soberanya o maritime rights.

May Malinaw na Hangganan ang EEZ ng Pilipinas

Tahasan itinatakda ng UNCLOS ang saklaw ng EEZ bilang 200 nautical miles mula sa baselines ng coastal state.

Hindi ito interpretasyon o haka-haka.

Nilinaw rin ng 2016 Arbitral Award na ang Recto Bank at ilang maritime feature na mas malapit sa Palawan ay nasa loob ng EEZ ng Pilipinas.

“Hindi malabo ang hangganan,” diin ni Goitia. “Malinaw ito sa batas.”

Hindi Teritoryo ang EEZ, Ngunit Hindi Rin Ito Bukas sa Pang-aabuso

Tama na ang EEZ ay hindi soberanong teritoryo.

Ngunit mali ang palagay na dahil dito ay wala nang karapatan ang Pilipinas.

Sa ilalim ng UNCLOS, ang coastal state ay may eksklusibong karapatan sa pangingisda, eksplorasyon at pagmimina ng likas-yaman, at pamamahala ng yamang-dagat. Walang karapatan ang ibang estado na magsagawa ng law-enforcement activities, military intimidation, o resource exploitation sa EEZ ng ibang bansa.

“Ang kalayaan sa paglalayag ay hindi lisensya para sa pamimilit,” wika ni Goitia.

Ang Humanitarian Act ay May Hangganan

May obligasyon ang mga barko na tumulong sa mga mangingisdang nasa panganib.

Ngunit hindi nito binubura ang mas malawak na konteksto ng presensya sa lugar.

Sa West Philippine Sea, may dokumentadong padron ng militarisasyon at pananakot.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).