HINIKAYAT ang mga turista na bisitahin ang makapigil-hiningang rock formations sa Biri Island sa Northern Samar na idineklarang National Geological Monument of the Philippines ng National Committee on Geological Sciences.
Sa mga nais bumisita sa isla, pinakamagandang galugarin ito sa mga buwan ng Marso hanggang Hunyo, kung kailan mas kalmado ang karagatan at mas magandang titigan ang coastal landscapes.
ALSO READ:
Mayor Uy, bubuo ng task force sa Calbayog CITY para sa State of Energy Emergency
Mahigit 196 billion pesos na halaga ng mga proyekto, inendorso ng Regional Development Council sa Eastern Visayas
Calbayog bishop, hinikayat ang lahat na maging instrumento ng pag-asa at pagbabago sa lipunan
NGCP, may pahinumdom hiunong hin pagpapalupad hin saranggola
Pitong maliliit na isla ang bumubuo sa iconic na Biri Rocks na kinabibilangan ng Magsapad, Makadlaw, Puhunan, Bel-at, Caranas, Inanahawan, at Magasang.
Ayon sa National Museum of the Philippines, ang mga bato ay gawa sa sandstone at conglomerates na nagtataglay ng analcimes na napakapambihirang mineral sa bansa.
