LIBO-LIBONG turista ang dumagsa, isang linggo matapos ang nakamamanghang lava sprays sa Snow-Caped Mount Etna sa Sicily, sa Italy.
Ito ay upang personal na masaksihan ang pagsabog ng isa sa pinaka-aktibong bulkan sa buong mundo.
Pope Leo nanawagan ng responsableng dayalogo at itigil ang karahasan sa Middle East
Pope Leo, bibisita sa 4 na African countries sa Abril
Mahigit 20 katao, patay sa pananalasa ng malakas na ulan sa Brazil
Mexico, nagdeploy ng libu-libong sundalo para matigil ang karahasan kasunod ng pagkamatay ng drug lord
Gayunman, inihayag ng pinuno ng Regional Civil Protection Agency ng Sicily na ang biglang pagdami ng mga tao sa lugar ay naging safety risk.
Bagaman marami sa mga turista ang well-equipped at may kasamang alpine at volcanological guides, walang patid ang pagdating ng mga tao at nahaharangan na ang daanan ng rescue vehicles.
Noong Lunes ay walo katao na nagtangkang umakyat sa bundok nang walang guide ang nawala ng ilang oras bago sila natagpuan ng rescuers habang isang lalaki naman ang nabalian sa paa matapos mahulog sa Niyebe.
