BILANG paghahanda sa dagsa ng mga pasahero sa Semana Santa, nagkasa ng drug testing ang Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 4A sa mga driver at konduktor sa Batangas City.
Sa dalawang daang driver at konduktor ng jeep at bus, kabilang ang mga trike driver sa Batangas Grand Terminal, mayroong dalawang nagpositibo sa drug test.
ALSO READ:
Ayon sa PDEA, magsasagawa pa ng kumpirmasyon sa pamamagitan ng chemical analysis sa dalawang nagpositibo.
Pansamantala, ang kanilang driver’s license ay nai-turn over na sa LTO.
Ang aktibidad ay bahagi ng Oplan Harabas Semana Santa 2026 ng PDEA.




