SA gitna ng tumataas na presyo ng langis, nagpakita pa rin ng katatagan ang mga tsuper at mga commuter sa Leyte sa kanilang pang-araw-araw na buhay.
Para sa maraming public utility vehicle drivers, malaki ang nabawas sa anila ay kakarampot na nga lang nilang kita dahil sa pagsirit ng presyo ng produktong petrolyo.
Resolusyon para mabawasan ang singil sa kuryente sa Off-Grid areas, inihain ng kinatawan ng Northern Samar
1 Calbayognon, Hinirang Bilang kauna-unahang King of Albay Ultra
PNP Eastern Visayas, naglunsad ng libreng sakay sa gitna ng transport strike
Calbayog LGU, pinaplantsa na ang mga paghahanda para sa Visita Iglesia 2026
Upang makaagapay, ilan sa mga tsuper ay nagbawas na lamang ng biyahe, nilimitahan ang kanilang operasyon at binago ang kanilang daily routines para kahit paano ay pumantay ang kanilang kita sa kanilang ginastos sa gasolina.
Sa panig naman ng commuters, nilalakad na lamang ng iba kung malapit lamang ang kanilang pupuntahan kaysa mamasahe.
Ang dati umanong pasahe sa van mula 50 hanggang 70 pesos ay nadagdagan ng sampung piso.
