UMABANTE pa ang Israeli Forces sa Shejaia Neighborhood sa Northern Gaza at pumasok pa sa Western at Central Rafah sa South, na nagresulta sa pagkamatay ng anim na Palestino, at ikinasira ng mga kabahayan.
Ayon sa mga residente, ang mga tangke ng Israel na bumalik sa Shejaiah ay nagpaulan ng mga bala sa mga kabahayan, dahilan para ma-trap ang mga pamilya sa loob at hindi na makaalis.
US, nangakong tutulong sa seguridad ng Ukraine sa ikakasang Peace Deal kasama ang Russia
Mahigit 40 katao, nawawala sa paglubog ng bangka sa Nigeria
67 katao, inaresto bunsod ng illegal alcohol production matapos masawi ang 23 katao sa Kuwait
Mahigit 340 katao, patay sa matinding pagbaha at pagguho ng lupa sa Pakistan
Sa pagsisimula ng lingguhang cabinet meeting, kahapon, muling nanindigan si Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu sa kanyang posisyon na walang substitute para makamit ang tagumpay sa digmaan laban sa Hamas.
Sinabi ni Netanyahu na ipagpapatuloy nila ang giyera hanggang sa makamit nila ang lahat ng kanilang layunin, gaya ng pag-eliminate sa Hamas, pagbabalik ng lahat ng hostages, at tiyaking hindi na magiging kasangkapan ang Gaza para maging banta sa Israel at ligtas na makabalik ang mga residente sa kanilang mga tahanan.