NATUKOY ng Israeli Military ang missiles na inilunsad sa kanila mula sa Iran, kasabay ng pag-activate ng kanilang Defensive Systems.
Nangyari ito matapos ipahiwatig ng Foreign Minister ng Iran na posibleng tapos na ang hidwaan, at sinabing hindi na sila gaganti kung ititigil ng Israel ang pag-atake.
Ayon sa Israel Defense Forces, pinatunog ang mga sirena sa iba’t ibang lugar matapos matukoy ang missiles na pinakawalan mula sa Iran.
Agad namang kumilos ang Israeli Air Force na para ma-intercept ang mga bomba.
Una nang inanunsyo ni US President Donald Trump ang ceasefire sa pagitan ng Israel at Iran, at sinabing ito sana ay maging permanente.