NAGSAGAWA ng Repair Works ang Department of Public Works and Highways sa mga kalsada na patungo sa Manila North Cemetery.
Ito ay para matiyak ang kaligtasan ng mga motorista at publiko na magtutungo sa mga sementeryo.
Ayon sa DPWH, inayos ang mga pangunahing kalsada na may lubak o sira papuntang Manila North Cemetery kagaya ng Blumentritt Road, Aurora Ave., at Laong Laan at Dimasalang Streets.
Bahagi ito ng “Lakbay Alalay” Program ng ahensya para sa Undas 2025.
Inatasan naman ni DPWH Sec. Vince Dizon ang iba pang Regional at District Engineering Offices sa buong bansa na agad tapusin ang mga Repair Works kagaya ng Operation Zero Potholes, at paglalagay ng Lane Markings upang matiyak na ligtas at maayos ang daloy ng trapiko para sa mga biyahero na uuwi sa kani-kanilang probinsya at dadalaw sa mga sementeryo.




