Aminado ang ilang senador na hindi pa sapat ang mga nakuha nilang impormasyon mula kay Guo Hua Ping, alyas Alice Guo sa isinagawa nilang executive session matapos ang pagdinig, noong Martes.
Sinabi ni Senate Committee on Women, Children & Family Relations Chairperson Risa Hontiveros na may isang crucial personality ang kinumpirma ni Guo kung saan nagpapatunay sa teorya ng kanilang komite na ibinahagi nila noon pang nakalipas na buwan
Umaasa si Senator JV Ejercito na sa pagpapatuloy ng executive session ay may makukuha silang mga karagdagang impormasyon sa tunay na mastermind sa illegal POGO.
Maikli lamang aniya ang ginawa nilang executice session dahil simula na ng plenary session
Idinagdag pa ni Ejercito na hindi siya naniniwala na isang Alice Guo ang mastermind sa operasyon ng iligal na POGO.
Tiyak aniya na isang international crime syndicate ang nasa likod nito at front lamang ang dating alkalde.