PINAYUHAN ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang mga residente sa Southern Leyte na iwasan ang anim na lugar sa lalawigan na naapektuhan ng landslides at rockfall dulot ng magnitude 5.8 na lindol.
Sa advisory, sinabi ng PHIVOLCS na mayroong limang earthquake-induced landslides at isang rockfall na nai-dokumento ng kanilang team sa mga bayan ng San Francisco, Liloan, at Pintuyan.
ALSO READ:
Eastern Samar niyanig ng Magnitude 4.3 na lindol
Calbayog City LGU, nag-turnover ng panibagong School Vehicle sa ilalim ng Sakay Na Program
Mahigit 236 million pesos na halaga ng Relief, inihanda ng DSWD Region 8 para sa mga biktima ng kalamidad
Pasok sa mga paaralan sa ilang bahagi ng Eastern Visayas, sinuspinde kasunod ng Magnitude 6 na lindol
Partikular na naitala ang landslides sa Barangay Pres. Quezon sa Liloan; Barangay Malico, Tuno, at Pinamudlan sa San Francisco; at Barangay Nueva Estrella Norte at Nueva Estrella Sur sa Pintuyan.
Naitala naman ang rockfall sa kahabaan ng Liloan Roadcut sa loob ng national highway na nag-uugnay sa Luzon patungong Mindanao.