PUSPUSAN na ang pagkilos ng mga tauhan ng Department of Public Works and Highways Region 8 para malinis ang mga lansangan mula sa mga nagtumbahang puno dulot ng Super Bagyong Uwan.
Ayon sa Northern Samar Second District Engineering Office apektado ng mga bumagsak na puno at Debris ang bahagi ng Pangpang–Palapag–Mapanas–Gamay–Lapinig Road at ang Catarman–Laoang Road.
ALSO READ:
Official selection ng CSO representatives, idinaos sa Calbayog City
Mahigit 3,700 na kabahayan sa Eastern Visayas, napinsala ng magkasunod na Bagyong Tino at Uwan
Illegal quarry materials, nasabat sa Brgy. Anislag, Calbayog City, Samar
Mahigit 600 silid-aralan, sinira ng Bagyong Uwan sa Eastern Visayas – DepEd
Sa kabila ng hindi pa rin magandang lagay ng panahon, tuluy-tuloy ang pagtatrabaho ng mga kawani ng DPWH Region 8 para maialis ang mga nakahambalang sa kalsada upang masiguro ang kaligtasan ng mga motorista. Pinapayuhan naman ang mga motorista na maging maingat sa pagmamaneho para maiwasan ang aksidente.
