INATASAN ni Leyte Governor Carlos Jericho Petilla ang Direktor ng Provincial Police Office na mag-deploy ng karagdagang mga tauhan kasunod ng serye ng pamamaril sa ikatlong distrito ng lalawigan.
Nais ni Petilla na tiyakin ni Colonel Erwin Portillo na maayos at mapayapa ang idaraos na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa lunes sa nabanggit na distrito.
Sinabi ng Gobernador na binibigyan nila ng espesyal na atensyon ang third district kung saan kalahati ng kanilang Police Force ang nagbabantay at nakatutok sa third district bunsod ng mga napaulat na karahasan.
Nasa pitumpu’t dalawang sundalo mula sa 93rd Infantry Battalion ang ipinakalat sa ikatlong distrito ng leyte noong sabado upang tumulong na mapigilan ang kahuluhan sa lugar.
Una nang nagpadala ang Regional Headquarters ng PNP ng tatlundaan animnapu’t anim na pulis sa leyte at karamihan sa mga ito ay itinalaga sa third district.