23 August 2025
Calbayog City
Overseas

Mga Pinoy pinaiiwas sa pagbiyahe sa Kurdistan, Iraq

kurdistan iraq

Naglabas ng Travel Advisory ang embahada ng Pilipinas sa Iraq sa mga Pinoy doon doon kaugnay sa ipinatutupad na security restriction sa Kurdistan.

Pinayuhan ng embahada ang mga Filipino nationals na iwasan ang pagbiyahe patungong Sulaymaniyah, Kurdistan.

Para sa mga Pinoy na kasalukuyan nasa Sulaymaniyah na at hindi maiwasan ang paglabas, pinapayuhan sila na iwasan ang magpunta sa matataong lugar, mag-doble ingat, laging mag-antabay sa mga balita, at manatiling mapagmatyag.

Pinayuhan din ang mga Pinoy na sundin ang emergency instructions mula sa local government authorities at kung mangangailangan ng agarang tulong ay agad tumawag sa hotline ng embahada.

Nananatiling nakataas ang Alert Level 3 sa Iraq.

ricky

Editor-in-Chief
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).