PINAG-iingat ng Department of Health ang mga Pinoy na bibiyahe sa mga lugar na may mga kaso ng super flu.
Ayon kay Health Sec. Teodoro Herbosa bagaman hindi maituturing na ‘alarming’ ang bagong variant, dapat mag-doble ingat pa rin ang mga Pinoy na bibiyahe sa mga bansang sobrang lamig ang panahon gaya ng UK at sa North America.
ALSO READ:
GOTIA: Ang West Philippine Sea ay Karapatan ng Pilipinas na Pinagtitibay ng BatasMga Maling Interpretasyon na Kinakailangang Linawin
17 puganteng Taiwanese, ipina-deport ng BI
Coast guard, ginunita ang ika-200 araw ng paghahanap sa “missing sabungeros”
15 survivors at 2 nasawi sa tumaob na MV Devon Bay, nai-turn over na sa PCG
Mas mainam ayon kay Herbosa na magpabakuna.
Kadalasan naman ayon kay Herbosa na gumagaling ng kusa ang influenza pero mas delikado ang tama nito sa mga mahihina ang resistensya o mayroong existing medical conditions.
Nananatili namang “Super Flu” Free ang Pilipinas dahil ang labingpitong kaso nito na naitala sa Metro Manila noong July hanggang August 2026 ay pawang naka-recover na.
