INAKUSAHAN ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky ang Russia sa paglika ng impresyon ng tigil-putukan habang nagpapatuloy ang pag-atake ng militar sa ilang lugar sa Ukraine.
Sinabi ni Zelensky na sa unang anim na oras ng “Easter Truce” na ipinag-utos ni Russian President Vladimir Putin, 387 shellings at 19 assaults ng russian forces, at drones ang ginamit ng halos tatlundaang beses.
11.1 billion dollars na arms package para sa Taiwan, inaprubahan ng Amerika
US President Donald Trump, pinalawak ang US Travel Ban sa 5 pang bansa
Mahigit 100 sibilyan, nasawi sa drone attacks sa Kordofan Region sa Sudan ngayong Disyembre
Naaksidenteng school bus sa Colombia, pumatay ng 17; 20 iba pa, sugatan
Wala namang naiulat na mga nasawi sa naturang pag-atake.
Ipinag-utos ni Putin ang itigil ang lahat ng military activities sa Ukraine mula ala sais ng gabi ng sabado, oras sa Moscow, hanggang hatinggabi ng linggo, na dapat ding sundin ng Kyiv.
Iginiit ng Defense Ministry ng Russia na lahat ng kanilang pwersa ay tumalima sa truce subalit nilabag ito ng army ng Ukraine.
