Binalaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga negosyante sa bansa na labag sa batas ang hoarding at profiteering.
Ginawa ni Pangulong Marcos ang babala sa gitna ng patuloy na pagsirit ng presyo ng produktong petrolyo dahil sa nangyayaring giyera sa sa pagitan ng Israel at Iran Sa video message, nakiusap si Pangulong Marcos sa mga negosyante na huwag samantalahin ang sitwasyon.
ALSO READ:
BREAKING | IDENEKLARA ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang four-day work week sa ilang tanggapan ng ehekutibo simula sa Lunes, March 9.
Paglilitis sa graft case ni Dating Senador Bong Revilla, sisimulan sa Apr. 7
Quezon City Rep. Bong Suntay, humingi na ng paumanhin sa bastos na komento patungkol kay Anne Curtis
DTI, naglaan ng P2 bilyon para sa OFW Negosyo Fund
Sabi ni Pangulong Marcos patuloy na minomonitor ng pamahalaan ang presyo ng mga bilihin.
Sabi ni Pangulong Marcos, sa susunod na linggo, inaasahan ang pagtaas ng presyo ng petrolyo kung saan ang gasolina ay tataas ng PhP7.48 kada litro, diesel ng PhP17.28, at kerosene ng PhP32.35.
(With reports from Chona Yu, iR Malacanan Correspondent)
