MAHIGPIT na nagpaalala ang Cebu Police Provincial Office na bawal ang mga menor de edad sa mga hotel, motel at lodge.
Ayon sa abiso ng Cebu PPO, sa ilalim ng umiiral na mga batas at lokal na ordinansa, hindi dapat pinapayagan na makapasok ang mga menor de edad sa nabanggit na mga establisyimento.
ALSO READ:
Tiniyak naman ng Cebu PPO na mahigpit nitong ipatutupad ang batas lalo na sa Valentine’s Day.
Binalaan din ang mga magulang, guardians, at mga establishment owners na hindi palalagpasin ng pulisya sakaling may makitang mga paglabag.
Ayon sa Cebu Police, mahaharap sa karampatang kaso ang sinumang mahuhuli at mapapatunayang magdadala ng menor de edad o papayag na makapasok ang mga menor de edad sa loob ng hotel, motel o lodge.




