BUMISITA ang mga kandidato ng Mr. and Miss SUC 2024 sa Calbayog City na siyang magsisilbing host sa nalalapit na 38th Eastern Visayas Regional SCUAA Games.
Ang pagsalubong ni Calbayog City Mayor Raymund “Monmon” Uy sa mga kandidato ay nagsilbing prelude sa kapana-panabik na athletics competitions at pinakahihintay na Mister and Miss SUC 2024 Coronation Events.
Tacloban-Palo Diversion Road, tiniyak na makukumpleto sa 2028
Mga Calbayognon sa Middle East na nagpa-register sa I-Konek, umakyat na sa 210
P200K reward, inilabas para mahuli ang sundalong bumaril sa DPWH engineer sa Samar
4-day onsite work arrangement at energy conservation protocols, tinalakay sa pulong ng Calbayog LGU
Gaganapin ang palaro sa Northwest Samar State University (NwSSU), kung saan ibibida ang commitment ng Calbayog City sa sports at ang abilidad nito na mag-host ng regional events.
Ang 38th Eastern Visayas Regional SCUAA Games ay idaraos simula Dec. 8 hanggang 13, 2024.
Samantala, ang Talent & Preliminary Interview night ng Mr. and Miss SUC 2024 ay gaganapin sa Dec. 9, alas syete ng gabi sa CACO Theater sa Nijaga Park na susundan ng coronation night sa Dec. 10, sa RSU Socio-Cultural Center, sa NwSSU Main Campus.
