SIMULA ngayong huwebes, May 16, huhulihin na ang mga jeepney driver na hindi nagpa-consolidate ng kanilang sasakyan sa mga kooperatiba.
Sinabi ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Teofilo Guadiz III, na maituturing na iligal at colorum ang mga jeepney na hindi pina-consolidate bilang bahagi ng PUV Modernization Program ng pamahalaan.
VP Sara, pinarerebyu kay Ombudsman Remulla ang kanyang SALN
Report sa 105 million pesos na ‘Ghost’ Farm-to-Market Road Projects, isinumite na kay Pangulong Marcos – DA
Halos 71K na pamilya sa Davao Oriental, naapektuhan ng malakas na lindol; US, nagpadala ng tulong
Barko ng Pilipinas, binomba ng tubig at binangga ng China Coast Guard sa katubigan ng Pag-asa Island
Aniya, maari na silang manghuli simula ngayong araw matapos ang April 30 deadline at dalawang linggong palugit sa mga tsuper at operator.
Nagbabala rin si Guadiz na ang mga unconsolidated jeepney drivers na mahuhuling pumapasada pa rin ay maaring maharap sa isang taong suspensyon habang ang sasakyan ay posibleng patawan ng 50,000 pesos na penalty at ma-impound ng tatlumpung araw.