22 November 2024
Calbayog City
National

Mga Gurong umatras mag-duty sa nagdaang BSKE hindi na kakasuhan ng COMELEC

TINIYAK ni COMELEC Chairman George Garcia na sasampahan nila ng kaso ang mga lokal na opisyal na nangialam at nanakot sa mga Poll Workers sa katatapos lamang na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Sinabi ni Garcia na aayusin nila ang listahan ng mga sangkot na lokal na opisyal, ngayong lunes.

Aniya, nagpatawag siya ng pulong ngayong araw para sa pagsasapinal ng listahan ng mga politikong sa kanilang palagay ay nakialam sa halalan.

Binigyang diin ng Poll Chief na kinakailangang seryosohin nila ang isyung ito, lalo na’t maari itong maulit sa mga susunod pang mga eleksyon.

Ginarantiyahan ni Garcia na hindi nila babalikan ang mga guro subalit kung sinuman ang nang-impluwensya o nanakot sa kanila ay siyang dapat managot.

ricky
A seasoned broadcast journalist, a former news reporter/anchor of Inquirer Television/Radio Inquirer-Manila under the Inquirer Group of Companies (IGC).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *