IPINAGBAWAL sa mga estudyanteng muslim sa mga pampublikong paaralan ang pagsusuot ng abaya at maluluwag na full length robe sa France.
Ito ang inanunsyo ng Education Minister bago ang muling pagbubukas ng klase sa naturang bansa sa Setyembre.
Nabatid na simula 19th century, nagpapatupad ng strict ban ang France sa religious signs sa lahat ng pampublikong paaralan.
Una nang ipingbawal ang kahit na anong impluwensya ng Catholic Religion sa bansa.