KAHIT tapos na ang holiday season nagpaalala ang Department of Health sa publiko na panatilihing malusog ang pangangatawan sa pamamagitan ng tamang ehersisyo, tamang pagkain at disiplina.
Partikular na pinaalalahanan ng DOH ang mga nasa edad apatnapu pataas.
ALSO READ:
Batay kasi sa datos ng DOH, ang nasabing mga edad ang pinaka-naapektuhan ng mga kaso ng Non-Communicable Diseases nitong nagdaang holiday season o mula December 21, 2025 hanggang January 5, 2026.
Umabot sa 422 na kaso ng sakit ang naitala sa nasabing petsa at karamihan sa mga tinamaan ng acute coronary syndrome, bronchial asthma, at acute stroke ay edad apatnapu pataas.
Labingdalawa naman ang naitalang nasawi, at pito dito ay dahil sa brain attack o acute stroke.




