PATAY ang isang mayoral candidate, kasama ang tatlo pang indibidwal matapos pagbabarilin habang nangangampanya sa Mexican State ng Veracruz.
Nakunan sa Facebook livestream ang malagim na pangyayari habang binabati ni Yesenia Lara Gutierrez ang mga residente habang pumarada sa kalsada ng Texispec, kasama ang kanyang mga supporter.
ALSO READ:
2 katao, patay sa pagbagsak ng 1 pang crane sa Thailand
Mahigit 30, patay matapos bumagsak ang crane sa pampasaherong tren sa Thailand
Prosecutors, hiniling na sentensyahan ng kamatayan si Dating South Korean President Yoon
26 katao, inaresto ng Cambodian at South Korean police bunsod ng umano’y scams at sex crimes
Masayang sumisigaw ang mga tao nang biglang magulo ang kuha ng camera saka narinig ang nasa dalawampung putok ng baril sa video.
Kinumpirma ni Mexican President Claudia Sheinbaum ang naturang pag-atake, kasabay ng pagsasabing wala pa siyang impormasyon tungkol sa motibo.
