TINAPOS ng Meralco ang anim na sunod-sunod na panalo ng NLEX, sa score na 108-92, sa PBA Philippine Cup sa PhiLSports Arena sa Pasig, kagabi.
Pinangunahan ni Chris Newsome ang Meralco sa kanyang 21 points habang nag-ambag si CJ Cansino ng 20 points.
Nagdagdag naman si Bong Quinto ng 18 markers habang sina Chris Banchero at Cliff Hodge ay gumawa ng 16 points at 12 points.
Dahil sa naturang panalo, nag-improve sa 5-5 ang standing ng Bolts habang ang Road Warriors ay mayroong 6-2 Win-Loss Record.