3 July 2024
Calbayog City
Provincial

Menor de edad patay matapos aksidenteng mabaril ng isang pulis sa Rodriguez, Rizal

rodriguez

Nasawi ang isang binatilyo matapos aksidenteng mabaril ng isang pulis sa Rodriguez, Rizal.

Sa ulat ng Rodriguez Municipal Police Station, kinilala ang biktima na si John Francis Ompad, 16-anyos at residente ng Southville 8B, Brgy. San Isidro sa nasabing bayan.

Ayon sa pahayag ng Rizal Police Provincial Office, pauwi ng bahay si John Ace Ompad sakay ng kaniyang motorsiklo nang siya ay parahin ng dalawang indibidwal.

Tinanggal ni John Ace ang kaniyang helmet at inihagis sa sa suspek.

Doon naman bumunot ng baril ang suspek para barilin si John Ace. Sakto namang lumabas ng bahay si John Francis na tinamaan ng bala ng baril sa tiyan.

Dinala pa saospital si John Francis pero nasawi din kalaunan.

Sa isinagawang follow up investigation, natukoy ang mga suspek na sina  PCpl Arnulfo Gabriel Sabillo nakatalaga sa COMPAC 5 ng Rodriguez Police at si Jeffrey Beluan Baguio, na nakatira naman sa Brgy. San Jose, Rodriguez, Rizal.

Agad naaresto ang dalawa at kinumpiska ang armas ni Sabillo para madala sa Rizal Provincial Forensic Unit upang isailalim sa ballistic at gun powder examination.

Isinailalim din ang pulis sa paraffin tests para matukoy ang presensya ng gun powder residue.

Nakakulong ngayon ang dalawang suspek sa Rodriguez Municipal Police Station Custodial Facility. Inihahanda na din ang kasong homicide at attempted homicide laban sa kanila.

donna cargullo
A passionate Mom of Three Kids, A Hands-on Loving Wife to Junmar. A top caliber News Producer who worked previously from Different News Organizations based in Manila like Radyo Inquirer & RMN Manila. Currently one of the producers of BuenaMano Balita & at the same time the Chief Correspondent of IR Calbayog.

    Leave a Reply

    Your email address will not be published. Required fields are marked *