MAKATATANGGAP ng dalawang milyong pisong cash reward mula sa pamahalaang lungsod ng Maynila si Two-Time Gold Winning Paris Olympian Carlos Yulo.
Sa Facebook post, sinabi ni Manila Mayor Honey Lacuna, na sa pagbabalik ni Yulo sa bansa ay ibabahagi ng lungsod ang gantimpala bilang pagkilala sa kanyang galing sa gymnastics.
ALSO READ:
German, arestado sa NAIA matapos mahulihan ng 55 million pesos na halaga ng shabu na itinago sa mga bibliya
Driver ng kotse na nabagsakan ng estudyante sa EDSA, pinalaya ng mga awtoridad
Lalaki, patay matapos tumalon mula sa FPJ Station ng LRT-1 sa Quezon City
Presyo ng mga bulaklak sa Dangwa sa Maynila, nagsimula ng tumaas bago ang Valentines Day
Naghahanda na rin ang lungsod para sa isasagawang grand parade na planong simulan sa Leveriza Street hanggang sa Malate kung saan lumaki si Yulo.
Samantala, pagkakalooban din ng Maynila ang Pinoy Pole Vaulter na si EJ Obiena ng incentive na kalahating milyong piso.
Ito’y matapos mag-fourth place sa 2024 Paris Olympics si Obiena na tubong Tondo.
