Inanunsiyo ni Agriculture Secretary Francisco “Kiko” Tiu Laurel Jr. na unti-unting ibababa ang maximum suggested retail price sa imported na bigas sa susunod na mga linggo.
Unang itinakda ng DA ang MSRP sa imported rice sa Metro Manila sa P58 kada kilo.
Goitia: Ang Pagprotekta sa Pangulo ay Pagprotekta sa Republika
Dating Senador Trillanes, kinasuhan ng Plunder at Graft sina Dating Pangulong Duterte at Sen. Bong Go
Mandatory na pagsusuot ng Face Masks, hindi pa kailangan sa kabila Flu Season, ayon sa DOH
One RFID, All Tollways System, inilunsad para mabawasan ang Delays sa biyahe
Exempted sa MSRP ang Japanese black rice, red rice, basmati, imported malagkit at locally produced rice.
Ayon kay Tiu Laurel pagsapit ng February 5, ang MSRP sa imported rice ay bababa sa P55.
Magiging P52 na lamang sa Feb. 15 at pagsapit ng March 1 inaasahang maibaba pa ito sa P49 per kilo.
Ayon kay Tiu Laurel, sa ngayon, ang mga imported rice na ibinebenta sa merkado ay binili pa sa halagang USD700 per metric ton.
Inaasahang bababa pa ang presyo ng bigas sa papalapit na harvest season sa Vietnam. (DDC)