PINULONG ni Calbayog City Mayor Raymund “Monmon” Uy ang mga opisyal ng City Health Office, City Population Office, City Social Welfare and Development Office, at City Nutrition Office, upang paigtingin ng lungsod ang health initiatives para sa mga buntis at mga bata.
Ang pulong ay kaugnay sa kalulunsad lamang na Responsive Care for the Unborn Program, kung saan prayoridad ang ligtas na pagbubuntis, tamang nutrisyon, at maagang health interventions.
Mahigit 196 billion pesos na halaga ng mga proyekto, inendorso ng Regional Development Council sa Eastern Visayas
Calbayog bishop, hinikayat ang lahat na maging instrumento ng pag-asa at pagbabago sa lipunan
NGCP, may pahinumdom hiunong hin pagpapalupad hin saranggola
Regional Level Top 7 Most Wanted Person, arestado ng Calbayog CPS
Patuloy ang pagmo-monitor ng City Health Office sa prenatal check-ups sa mga Barangay Health Centers, pati na ang pagpapaigting sa kanilang Child Immunization Drive.
Alinsunod ito sa isinusulong ng Department of Health na punan ang immunization gaps at protektahan ang mga bata mula sa outbreaks.
Binigyang-diin ni Mayor Mon na ang pagbibigay ng proteksyon sa mga ina at mga bata ay nangangailangan ng whole-of-community approach mula sa prenatal monitoring hanggang sa postnatal care at kumpletong immunization coverage.
