NATAGPUANG walang buhay ang isang matandang babae sa kalsada matapos umanong saktan at kaladkarin ng sarili nitong anak mula sa bahay ng isa nilang kamag-anak, sa Barangay Gadgaran, Calbayog City.
Kinilala ang suspek na si Juan Paghunasan, trenta’y nueve anyos, walang trabaho at residente ng Purok Syete sa naturang barangay.
ALSO READ:
Napaulat na expansion ng Geothermal Project, itinanggi ng mga opisyal sa Biliran
Mga biyahe sa karagatan sa Eastern Visayas, pinayagan na muli ng coast guard
Illegal gun dealer, patay matapos manlaban sa mga pulis sa Calbayog City
Halos 3 milyong pisong halaga ng tulong pangkabuhayan, ipinagkaloob ng DOLE sa mga grupo ng kababaihan sa Southern Leyte
Sa inisyal na impormasyon, sinipa ng suspek ang kanyang ina na kinilalang si Beatriz Tomnob, otsenta’y tres anyos saka kinaladkad palabas ng bahay patungong kalsada sa pamamagitan ng paghatak sa paa.
Nabatid na dating magkasama sa bahay ang dalawa subalit iniwan ng ina ang anak nito, at lumipat sa bahay ng isang kamag-anak sa Purok Kwatro.
