PATAY ang isang mataas na lider ng New People’s Army at isa pang rebelde makaraang makasagupa ang mga sundalo sa Barangay Tinag-an, sa bayan ng Albuera, Leyte.
Kinilala ng militar ang mga nasawi na sina Rolando Caballera, miyembro ng Regional Excutive Committee ng NPA sa Eastern Visayas, at Crispolo Agunos Jr., isang platoon member.
Ayon kay Brig. Gen. Noel Vestuir, Commander 802nd Infrantry Brigade, si Caballera ay mayroong pending warrant of arrest dahil sa planong pagpaslang iba nilang mga miyembro na sumuko sa pamahalaan.
Si Caballera ay mula sa Barangay Luneta sa Lapaz, Leyte habang si Agunos ay mula sa Barangay Rizal, sa Kananga, Leyte.