Inabisuhan ng pamunuang ng North Luzon Expressway ang mga motorista sa pagsisikip ng daloy ng trapiko na mararanasan sa NLEX ngayong Sabado, Aug. 23.
Idaraos kasi ang NET25 Family Fun Run sa Philippine Arena mula alas 5:00 hanggang alas 10:00 ng umaga.
Balangay Seal of Excellence pormal nang iginawad sa San Juan City LGU bilang unang lungsod sa NCR na naideklarng drug cleared
Mag-amang Jejomar at Jun-Jun Binay abswelto sa overpriced Makati City Parking Building
Rainwater impounding facility itatayo sa loob ng Camp Crame
1 sa 5 suspek na nagnakaw ng bag ni COMELEC Chairman Garcia, nasakote na ng mga awtoridad
Dahil sa aktibidad aasahan ang masikip na daloy ng traffic sa lugar.
Payo ng pamunuan ng NLEX sa mga motorista, tiyaking may sapat na load ang kanilang RFID accounts at planuhin ng maaga ang pagbiyahe.
Ang mga kalahok sa Fun Run ay pinapayuhang gamitin ang NLEX Ciudad de Victoria exit, habang ang mga motorista na patungong Bocaue o Santa Maria ay maaaring gamitin ang alternatibong ruta sa pamamagitan ng Marilao, Bocaue, o Tambubong exits.